UP IFI Celebrates Don Belong 148th Birthday

Last July 8, Sunday, the UP IFI congregation paid tribute to Don Belong and to the Filipino workers as we celebrated Don Belong’s 148th birthday and to the 120th founding anniversary of the Katipunan.

 After the post communion prayer, the Ang Tagubilin ni Dr. Jose Rizal and the Sampong Utos ni Apolinario Mabini were read by Ronald Jacalan, National YIFI President and Karema Nadem Cabillas, Parish YIFI officer.  The congregational singing of Bayan Ko  was led by Ka Martin Custudio, Jr, a NAFLU (National Federation of Labor Unions) officer before he delivered a fiery poem entitled  Bayani (The Hero) written by Gat Amado V. Hernandez about the life of the workers and their contribution to the society. To date, the poem Bayani won out of 30 poems in a contest held in Malolos, Bulacan in time of the celebration of the First of May in 1928. According to Senator Recto, Bayani is the best poem that fully describe about the labor sector. On the other hand, Ang Tagubilin ni Dr. Rizal and the Sampong Utos ni Mabini were all great reminders for us, IFI members.  I doubt not all of us were able to read these great teachings. Either they were taught in elementary, high school or  college I could not remember anymore or maybe we were absent.  However, it  will no longer be an excuse for us,  let us  give some time to reflect them.

Ang tagubilin ni Dr. Jose Rizal.

 “Malaya ako, ani Rizal, sa pagdidiosdiosan, paghahangad na paniwala’t pakinggang pikit mata; nguni’t ang hiling ko’y mag-isip at magnilaynilay ang lahat, usigin at salain kung sakali sa ngalan ng katuwiran itong aking pinaninindigang mga sabi:

  1 – Ang ipinagiging taksil ng ilan ay nasa karuwagan at kapabayaan ng iba.

  2 – Ang inaalipusta sa isa, ay nasa kulang na pagmamahal sa sarili at nasa labis na pagkasilaw sa uma-alipusta.

  3 – Ang kamangmanga’y kaalipinan, sapagka’t kung ano ang isip ay gayon din ang tao: taong walang sariling isip, ay taong walang pagkatao: ang bulag na taga sunod sa isip ng iba, ay parang hayop na sumusunod sa tali.

  4 – Ang ibig magtayo ng sarili’y tumulong sa ibang magtayo ng kanila, sapagka’t kung pababayaan mo ang iyong kapuwa, ay pababayaan ka rin naman; ang iisang tingting ay madaling baliin, nguni’t mahirap ang isang bigkis na walis.

  5 – Kung ang babaing tagalog ay hindi magbabago, ay hindi dapat magpalaki ng anak, kungdi gawin pasibulan lamang, dapat alisin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay, sapagaka’t kung dili’y ipagkakanulong walang malay ang asawa, anak, bayan at lahat.

  6 – Ang tao’y inianak na paris-paris, hubad at walang tali. Di nilikha ng Dios upang maalipin, di binigyan ng isip para mabulag, at di hiniyasan ng katuwiran nang maulol ng iba. Hindi kapalaluan ang di pagsamba sa kapuwa tao, ang pagpapaliwanag ng isip at ang paggamit ng matuwid sa anumang bagay. Ang palalo’y mapasasamba, ang bumulag sa iba, at ang ibig papanaigin sa kanyang ibig ang matuwid at katampatan.

  7 – Linangin ninyong magaling kung ano ang religiong itinuturo sa atin. Tingnan ninyong mabuti kung iyan ang utos ng Dios o pangaral ni Cristong paglulunas sa hirap, pangaliw sa dusa ng nagdurusa; alalahanin ninyo ang lahat ng sa inyo’y itinuturo, ang pinagpatunguhan ng lahat ng sermon, ang nasa ilalim ng lahat ng misa, novena, kuwintas, kalmen, larawan,milagro, kandila, correa at iba’t iba pang iginigiit,inihihiyaw at isinusurot araw-araw sa inyong loob, taynga, mata, at hanapin ninyo ang puno at dulo at saka iparis ninyo ang religiong iyan sa malinis na religion ni Cristo at tingnan ninyo kung hindi ang inyong pagkacristiano ay paris ng inaalagaang gatasang hayop, o paris ng pinatatabang baboy kaya, na di pinatataba alang-alang sa pagmamahal sa kaniya, kungdi nang maipagbili ng lalong mahal at lalong masalapian.” ***

Ang sampung utos ni Mabini.

Basahin natin ngayon ang sampung utos ng ating Dakilang Kababayang tumutugon sa ating kasalukuyang pangangailangan:

Una: Ibigin ang Dios at ang iyong karangalan nang higit sa lahat ng bagay: ang Dios, sapagka’t siyang batis ng katotohanan, ng lahat ng katarungan, at ng lahat ng gawain; at ang karangalan, na siyang tanging lakas na sa iyo’y pipiliy na maging tapat, matuwid at masipag.

 Pangalawa: Ibigin ang Dios sa paraang ayon sa iyong palagay ay lalong wasto at karapatdapat, sapagka’t sa iyong budhi na siyang pumupuna ng lahat ng iyong masamang gawa at pumuuri sa mabubuti, ay nangungusap ang iyong Dios.

 Ikatlo: Pagyamanin ang mga tanging kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng Maykapal, sa pamamagitan ng paggawa at pagaaral ng maaabot ng iyong kaya, nang di ka kailanman hihiwalay sa daan ng kabutihan at ng katarungan, upang makamtan mo ang iyong pagiging ganap na sarili at sa paraang ito, ay makaabuloy ka sa pagkasulong ng katauhan; at sa gayo’y matutupad mo ang gawain na inihabilin sa iyo ng Dios sa buhay na ito, at kung masunod mo na, ay magkakaroon ka ng karangalan at kung mayroon ka na nito’y luluwalhatiin mo ang iyong Dios.

Ikaapat: Ibigin mo ang iyong Bayan pagkatapos ng iyong Dios at ng iyong karangalan at higit sa iyong sarili, sapagka’t siya ang tanging paraisong ipinagkaloob sa iyo ng Dios sa buhay na ito; ang tanging minana ng iyong lahi; ang tanging minana mo sa iyong mga ninuno; at ang tanging pagasa ng sa iyo’y susunod: dahil sa kaniya’y may buhay ka, pagibig at mga pagaari; kaligayahan, karangalan at Dios.

Ikalima: Pagsikapan mo ang ikaliligaya ng iyong Bayan bago ang iyong sarili, at sikaping maghari sa kniya ang matuwid, ang katarungan at ang paggawa; sapagka’t kung siya ay maligaya, maligaya rin ang sarili mo at ang iyong angkan.

Ikaanim: Pagsikapan mo ang pagsasarili ng iyong Bayan, sapagka’t ikaw lamang ang maaaring magkaroon ng tunay na pagibig sa kaniyang ilalago at ikararangal, sapagka’t ang pagsasarili niya ay kalayaan mo, ang kaniyang kadakilaan ang paggiging ganap mo, at ang kaniyang ikatatanghal ay iluluwalhati ng iyong sarili at pagiging walang kamatayan.

Ikapito: Huwag kilalanin sa iyong bayan ang kapangyarihan ng sino mang tao na hindi mo inihalal at ng iyong mga kababayan, sapagaka’t lahat ng kapangyarihan ay nanggagaling sa Dios, at sapagak’t ang Dios ay nagsasalita sa budhi ng bawa’t tao, ang taong ihalal ng budhi ng lahat ng mamamayan ay siyang tanging dapat magtaglay ng tunay na kapangyarihan.

Ikawalo: Pagsikapan mong ang iyong baya’y maging Republica o pangasiwaan ng mga halal ng bayan, at hindi kailanman ang maging Kaharian: ito’y nagbibigay dangal lamang sa isa o ilang angkan at nagtatatag ng isang angkan ng mga hari; yao’y lumilikha ng isang bayang marangal at karapatdapat dahil sa matuwid, dakila dahil sa kalayaan at malusog at maningning dahil sa paggawa.

Ikasiyam: Ibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng pagibig sa sarili, sapagka’t binigyan siya at ikaw ng Dios ng katungkulan na tulungan ka at huwag gawin sa iyo ang hindi niya ibig na gawin mo sa kaniya; nguni’t kung ang iyong kapuwa ay magkulang sa banal na tungkuling ito, at pagtangkaan ang iyong buhay, ang iyong kalayaan at iyong kapakanan, kung magkagayo’y dapat mo siyang iwasak at pawiin, sapagaka’t iiral na ang dakilang batas ng pagtatanggol sa sarili.

Ikasampu: Ipalagay mo kailan man ang kababayan mo na higit ng kaunti sa iba; sa kaniya’y masusumpungan ang isang kaibigan, ang kapatid at isang kasama na kasama mong nagbibigkis ng iisang kapalaran, ng iisang ligaya at kalungkutan at ng magkaisang hangarin at mga kapakanan. Dahil dito, samantalang natatayo ang mga hangganan ng mga bansa at nanatili pa dahil sa kasakiman ng mga lahi at ng angkan, sa kaniya lamang dapat kang makisama sa ganap na pakikiisa ng layunin at mga kapakanan, upang magkaroon ng lakas, hindi lamang sa pakikibaka sa kaaway ng madla, kungdi upang maisagawa ng lahat ng layunin ng buhay ng tao (24 June 1898). ***/em&gt 

BAYANI
ni Gat Amado V. Hernandez

Ako’y manggagawa: butil ng buhangin,
sa daa’y panambak, sa templo’y gamit din;
buhay ko’y sa Diyos utang nga marahil,
nguni’t ang palad ko’y utang din sa akin.
Alam ko ang batas: “Tao, manggagaling
sa sariling pawis ang iyong kakanin.“

Hubad ang daigdig nang ako’y sumilang
at pikit ang mata ng sangkatauhan:
dahilan sa aki’y kaharia’t bayan
ang nangapatayo sa bundok at ilang,
aking pinasikat sa gabi ang araw
at tinanlawan ko ang diwa’t ang buhay.

Ako ang nagbangon ng Gresya at Roma
ako ang nagbagsak sa palalong Troya;
ang mga kamay ko’y martilyo’t sandata –
pambuo’t panggiba ng anumang pita!
Kung may kayamanan ngayong nakikita,
paggawa ko’y siyang pinuhunan muna!

Ako’y isang haring walang trono’t putong,
panginoong laging namamanginoon,
daming pinagpalang binigyan ng milyon
ay ako’t ako ring itong pataygutom;
sila ay sa aking balikat tumuntong,
naging Mamo’t Nabod ang dati kong ampon!

Sambundok na ginto ang aking dinungkal,
kahit na kaputol, di binahaginan!
ang aking inani’t sambukiring palay,
ngunit wala akong isaing man lamang!
ang buhay ng iba’y binibigyang-buhay
habang nasa bingit ako ng libingan!

Ang luha ko’t dugo’y ibinubong pawa
sa lupang sarili, ngunit nang lumaya,
ako’y wala kahit sandakot na lupa!
Kung may tao’t bayang nangaging dakila,
karaniwang hagda’y akong Manggagawa,
nasa putik ako’t sila’y sa dambana!

Kung kaya sumulong ang ating daigdig,
sa gulong ng aking mga pagsasakit;
nilagyan ang tao ng pakpak at bagwis,
madaling nag-akyat-manaog sa langit;
saliksik ang bundok, ang bangin at yungib,
ang kailaliman ng dagta, saliksik!

Ang mga gusali, daan at sasakyan,
ay niyaring lahat ng bakal kong kamay;
sa tuklas kong lakas – langis, uling, bakal,
naghimala itong industriya’t kalakal;
ngunit lumawak din naman ang pagitan
ng buhay at ari… nasupil ang buhay!

Ang mundo’y malupit: ngayo’t ako’y ako,
nakamihasnan nang dustain ng mundo;
gayon pa ma’y habang ang tao ay tao,
gawa ang urian kung ano’t kung sino;
batong walang ganda’y sangkap sa palasyo,
sanggol sa sabsaba’y naging isang Kristo.

Tuwi na’y walin man ako ng halaga,
iyan ay pakanang mapagsamantala;
ang ginto, saan man, ay gintong talaga,
ang bango, takpan man, ay di nagbabawa;
itakwil man ako ng mga nanggaga,
walang magagawang hadlang sa istorya!

Kung di nga sa aki’y alin kayang bagay
ang magkakasigla at magkakabuhay?
Puhunan? Likha ko lamang ang Puhunan!
Bayan? At hindi ba ako rin ang Bayan?
Walang mangyayari, pag ako ang ayaw,
mangyayaring lahat, ibigin ko lamang!

Sa wakas, dapat nang ngayo’y mabandila
ang karapatan kong laong iniluha,
ang aking katwiran ay bigyan ng laya
at kung ayaw ninyo’y ako ang bahala
sa aking panata sa pagkadakila…
Taong walang saysay ang di Manggagawa!

Ang tulang Bayani ay nagwagi sa 30 kalaban sa timpalak-panitik sa Malolos, Bulakan, sa pagdiriwang ngUnang Araw ng Mayo noong 1928. Inampalan: Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaceda at Iñigo Ed. Regalado. Ayon kay Senador Recto, ito ang “pinakamahusay na tulang Tagalog sa paksang paggawa.”

After the poem, the priest asked the congregation to stand and had a five minutes silence, then blessed the picture of Don Belong.  The singing of the Lupang Hinirang follwed with the raising of Philippine Flag. Mabuhay ka Iglesia Filipina composed by Rev. Mario Quince was the  recessional song where Reverend Erah Maga-Cabillas raised the IFI Flag and placed it beside Don Belong’s picture.

Mabuhay Ka IFI
Ni Fr. Mario Quince

Sa pawis, luha at dugo
Ay isinilang Ka Simbahan ko
Dumanas ka ng hirap
Habang iyong tinatahak
Ang landas tungo sa tagumpay

Sa bawat taong nagdaan
Ay nanatili sa diwa Mo
Ang tanging adhikain
Na hindi nagbabago
Ang PARA SA DIYOS AT SA BAYAN!

Koro:    Mabuhay Ka! Iglesia Filipina!
Mabuhay Ka! Simbahan ng mga dukha
Ang Pangalan Mo’y itataas ko
At iwawagayway ko ang Bandila Mo!

The prayer or panalangin that follows the Tagubilin ni Dr. Rizal is a kind of prayer heard only in progressive liturgy or similar to many IFI prayers which are still relevant today. Again, I copied it here for us to read:

Oh, Dios namin! Loobin mong ang aming mga babai at gayon din ang mga lalaki ay makabatid at makasunod sa dakilang tuntunin ng pagibig sa bayan ng dakilang martir Tagalog. Lahat ng mga banal na pangungusap na iyan ay nasasangkapan ng lalong maalab na pagkamakabayan: ang pagkaalipin ng aming Bayan ay siyang nakaliligalig na pangitain ng lalong nagmamahal na anak ng Filipinas. Loobin mo nga, aming Dios, na lahat at bawa’t isa sa mga Filipino ay magsikap ng buong tiyaga sa pamamagitan ng kaniyang pagibig sa pag-aaral na matubos ang aming bayan sa kaniyang pagkaalipin sa isip at sa sinasampalatayanan, na lahat at bawa’t isa ay magsikap ng buong kaya na matubos kami sa ka-alipinan sa pananalapi at sa pamahalaan hanggang magawang ang araw ng iyong walang hanggang katarungan at tumanglaw sa pinakamimithing aming pangwakas na pagsasarili. Siya nawa.

The panalangin or prayer that follows the Sampong Utos ni Mabini, although it focuses more on women’s role but it still have the same message and call: to have a country free from foreign domination. Again, it is similar to IFI’s prayers and song:

Oh Dios, tulungan mo ang mga dalagang filipina upang sa pamamagitan ng kanilang kahinhina’y maiwasto nila ang ugali ng aming mga binata; na huwag ipalagay ng mga dalagang iyan na mabuti ang lahat ng kabalbalan ng mga may masamang pinagkaugalian, lalong lalo na ang mga katamaran ng mga binata, ang mga bisio at ang kawalan ng mabuting gawa; na kanilang takasan ang mga binatang ito na walang hangad na dakilain ang kanilang Bayan sa pamamagitan ng kanilang mga kasipagan, karangalan at pagkamakabayan; at kung sila’y may mga asawa na, ay maging tapat sa kanilang mga asawa, mga masisipag na katulong ng asawa sa bahay, at mapagmahal na ina ng kaniyang mga anak at nagdudulot ng mabubuting turo sa mga bata, at itinatanim sa kanilang mga murang isipan ang pagibig sa Dios, sa kapuwa at sa bayan, at ang kasipagan at pagtutulong-tulong upang huwag kaming talunin ng mga dayuhan. Siya nawa.

The celebration of the 148th birthday of Don Belong and the 120th Founding Anniversary of the Katipunan was the first time in the parish. The saying “It is better late than never” may apply to this experience but we hope this will not be the first and last. To continue and sustain this yearly commemoration is our humble way of expressing our gratitude to the forbearsof the IFI especially to Isabelo de los Reyes, Sr. and to all the Uring Manggawa, both become instrumental to the existence of this Filipino Independent Catholic Church. Making the congregation aware the significant roles of Don Belong and the workers through the UOD, Union Obrera Democratica will help us appreciate more and be more thankful of their contribution, leadership and commitment. We pray that the coming IFI Liturgical Calendar, July 7 is being marked as well.

As the whole IFI getting busier for its preparation to the coming 110 Proclamation Anniversary this August 2 and 3, we continue pray and ask the guidance of God the Creator, Liberator and Sanctifier to always bless the Iglesia Filipina Independiente. MABUHAY!

Aside

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

July 2012
M T W T F S S
« Jun   Oct »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Blog Stats

  • 8,583 hits

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 784 other followers

Follow womanclergy on WordPress.com

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 784 other followers

%d bloggers like this: