PAGPUPUGAY

Ito ay alay para sa lahat ng mga kababaihang lumaya at nagsumikap na makalaya mula sa lumang mga pananaw, mapang-aping tradisyon at kasanayan, mali at balikong paniniwala, katuruan at mga akala; para sa lahat ng mga kababaihang mapanglikha at patuloy na makikibaka para ganap tayong lalaya! Taas kamao!

parang kailan lang
mga ninuno at magulang
nagbuwis ng kanilang buhay
upang ipaglaban
dignidad at mga karapatan
ng mga kababaihan
walang kasing dakila
ang kanilang adhikain
layunin hindi pansarili lamang
kundi pangkalahatan
upang henerasyon ngayon
kalayaan makamit at maranasan

parang kailan lang
mga kababaihan
karamihan sa bahay lang natatali
asawa’t anak pinagsisilbihan
tinaguriang ilaw ng tahanan
iminulat sa ganoong kaisipan
tinanggap magandang
tadhana o kapalaran
pinagmalaki at pinupuri
sinabitan ng medalya
hinangaan, ginawang halimbawa
para pamarisan ng iba

parang kailan lang
nabago’t nabuksan mga kaisipan
pananaw sa mga kababaihan
hindi pambahay na lang
isang kamulatang
sa daan taong
mahabang pinagdaanan
patuloy na pinaglalaban
mga maria, lorena at gabriela
makialam usaping panlipunan
makilahok at makipagkapit-bisig
lumabas sa lansangan

parang kailan lang
mga nanay, asawa, anak na babae
libu-libong lumisan sa mga tahanan
naging OFW’s sa ibang bayan
sa mga banyaga sila’y nanilbihan
tinaguriang bagong bayani
ng mga taga-pamahalaan
ngunit sa katotohanan
sila ang makabagong alipin
dollar remittance naging sandalan
ekonomiyang naghihingalo
bansang lugmok sa kahirapan

parang kailan lang
sa pahina ng kasaysayan
pati sa banal na kasulatan
magandang halimbawa
dakilang mga gawa
ng mga kababaihan
hindi pansin o binabalewala
unti-unti binuklat muli
binasa at inunawa
sa mga mata at karanasan
ng mga kababaihang
nakikibaka’t patuloy na lumalaban

kaya hindi dapat manghina
o mawalan ng pag-asa
mga lola, nanay, tita at ate
kasama ang mga lalaki
bakla at lesbiana, pari at mga madre
manggagawa at magsasaka
mga lumad, moro at taga-cordillera
maniniwala: may suporta at nakikiisa
sa dakilang adhikain at kilusan
pakikibaka ng mga kababaihan
para sa ganap na kalayaan
ng kalikasan at ng sangnilikha

Mga kababaihan, sa Diyos tayo ay binabasbasan
sapagkat tulad ni Maria, tayo ay pinagpala!

About these ads

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 30 other followers

%d bloggers like this: